Five o'clock. When early comers can already afford to slack off a bit since effort hours are complete and logout time is near. Dens, Paulo, EJ, and Lead Character are huddled around Dens's workstation.
DENS: Umamin ka na kasi sa kanya, Ate LC (LEAD CHARACTER).
PAULO: Oo nga, sabihan mo sya crush mo sya.
LEAD CHARACTER: Ano ba! Wala ako aaminin!
EJ: Is it the truth? Totoo yun! Is it fair to all concerned? Oo! Will it bring goodwill and better friendship? Oo naman! Is it beneficial to all concerned? Beneficial yun! Isipin mo. Pumasa lahat sa four-way test ng Rotary kaya umamin ka na. Baka magka-boyfriend ka pa at maimbitahan ka pa sa kasal ko.
DENS: Basta ako, EJ, imbitado na ako, ah.
PAULO: Ano ba ang conditions mo, EJ?
EJ: Magkaboyfriend si LC, o manalo ako Lotto, o manalo sya ng lotto.
DENS: O, ano ang easiest dun?
LEAD CHARACTER: Manalo ng lotto!
Peals of Laughter from the guys (succeeding occurrences of which will be referred to as: POLFTG).
Sir Roy overheard the whole conversation and couldn't stop himself from joining the POLFTG.
LEAD CHARACTER: Tingnan nyo, natatawa si Sir Roy sa inyo. Sir Roy, Di daw po kasi ako iimbitahan ni EJ sa kasal nya kung di ako manalo sa lotto or wala akong boyfriend.
DENS: Ayan, tamang-tama! Manghingi ka ng tips kay Sir Roy!
SIR ROY: Bibigyan kita tips - number 4, number 7, number 20... Lotto tips.
Uproarious POLFTG.
SIR ROY: Kailan ka ba ikakasal, EJ?
EJ: Medyo malayo pa naman po.
SIR ROY: Malayo pa pala, LC. May panahon ka pa.
LEAD CHARACTER: Opo, may panahon pa po ako. Tataya ako araw-araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment