Si Mary Shaira yang nasa kanan. Ira kung tawagin namin ang two-year old niece kong ito. Dumaan sila sa bahay kanina, kasama ang ten-year old kuya niyang si Joshua at auntie ko na lola nila (na "mommy" ang pinapatawag sa kanyang mga apo, at wag "lola", please lang.)
Cute si Ira, di ba? Mala-anghel ang itsura. Sa totoo lang, mabait naman talagang bata ito, medyo hyper nga lang kung minsan. At maliban na rin lang kung umaandar ang pagka-astigin nito at sinusuntok ang lahat ng makita nito habang nandidilat ang mata sabay sigaw ng "Hawa!" (Visayan term po ito na ang loose translation sa tagalog ay "Alis!")
Sinabi ko nang mabait na bata si Ira, di ba?
Mabait naman talaga. Sobrang playful nga lang kasi nga nasa stage ng "terrible two's". Kuya Joshua nya ang usual object of Ira's "cariƱo brutal". Kung "maglaro" ang mga ito, daig pa minsan ang first round ng Pacquiao-Marquez match. At, wag kayo! Si Ira ang gumaganap na PacMan. Si Josh, pinapaiintindi na lang namin lahat na di dapat patulan ang kid sis nya. Kaya minsan, pag masakit na talaga ang mga tama ni Ira sa kanya, nagpipigil na lang siya ng iyak. Naiintindihan ko rin naman si Josh kasi nung minsan sinuotan ko ng sandals si Ira, bigla nya akong nasipa (ayaw kong isipin na sinadya nya) at sapol sa tuhod ko ang tama. Masakit sya, in fairness. Nagka-bruise pa ng konti. Natutuwa si Ira sa mga painful slapstick comedies brought about by her playfulness. Niloloko ko nga magulang nya na baka may sadistic tendencies yung bata. (Pabiro ko lang po sinasabi yun. At sa mga concerned sa home upbringing ng pamangkin ko, wag po kayong mapraning. Born-again Christians po ang mga magulang at lola nya at sa katunayan ay malapit nang maging pastor ang tatay niya. Weird lang po yata ang sense of humor ng bata.)
Ako ang napagod sa kakapanood kay Ira habang walang tigil ang ikot nya sa sahig. Paikot-ikot na parang trumpo. Giggling all the while. Titigil lang sya kung makakakita sya ng sapatos na susuotin. She gets a kick out of that - wearing shoes too big for her. Oo nga pala, tumitigil rin sya kung susubuan mo sya ng chocolate. Yung mga tigsi-singkwenta centavos na nakabalot ng foil. (Tanong lang: bakit kaya kahit anong ingat ang pagsubo mo ng pagkain sa bata, it's inevitable that they'll spoil their clothes? Or worse, yours?)
Anyway, nang naubos na ang tsokolate, binuhat ko si Ms. Madungis at pinatong sya sa lababo. Binanlawan ko kamay at mukha nya. At syempre nang natapos, ayaw nyang magpababa. Dahil nadiskubre nya ang faucet at pinihit-pihit ito. Sobrang hina, sobrang lakas. Sobrang hina, sobrang lakas. Ang kasiyahan nya, di mo mawari at aliw na aliw syang nakikita ang agos ng tubig. So pinagbigyan ko sya sandali bago sya nilapag sa sahig. (Self snapshot at this point: chocolate stains on my PE t-shirt, and water splashes from the faucet adventure - well, you do the math).
I went to my computer to check on my downloads for a second but the next thing I knew, Ira was extending her arms to me, asking to be seated on my lap. (She knows how to open doorknobs already, I made a mental note). She found the keyboard amusing and started to press the ones she could reach (i.e, the spacebar, the Ctrl key, and the Windows shortcut key). I had to distract her from this and so I launched the screensavers previews. Boy, did she like those! She'd clap her hands whenever there's a change in the image. She yelled "Fish! Fish!" when she saw the aquarium screensaver. But I think she liked 3D Flower Box best. It elicited the most shrieks and giggles.
I'm the youngest in the family which is probably the reason why I'm kinda fond of kids - no matter how messy or playful they get. Ira and Josh are just two of my numerous nieces and nephews (children of my cousins).
They left late in the afternoon. Ira waved to me goodbye (one of her perfected "tricks"). I was left wondering about faucets and screensavers. And trying to figure out at which point in growing up do they cease to be wondrous things.
No comments:
Post a Comment