Minsan, iniisip ko kung bakit may mga habits ako na masasabing weird ng ibang tao. Pero kapag natatandaan ko ang mga quirks ng nanay ko tulad nang inutusan niya ako na magscrub ng sahig ng alas onse y media kagabi, hindi na ako nagtataka. Gising pa nga naman kami dalawa at medyo maputik ang sahig kasi maulan buong araw. Natural nga naman na linisin ito. Maghahatinggabi nga lang. Tutal, wala naman daw akong ginagawang produktibo. (In my own defense, may ginagawa naman ako ng oras na yun. Nagda-download ako ng mga kanta at lyrics ng Three Doors Down at Jars of Clay - na ngayon ko lang nadiskubre na marami palang magagandang kanta maliban sa alam ko na.)
Anyway, sa madaling salita, sa kalaliman ng gabi, I was down on all fours, scrubbing the floor. Scouring pad ang sandata ko. Zonrox, sabon, at tubig ang bala ko. Natuyong putik na nanuot sa pagitan ng tiles ang kalaban ko. (Hindi talaga binitiwan ang analogy, eh, noh?! Hehe.)
Di naman kasindak-sindak na naglilinis ako ng sahig. Sa katunayan, kaming magkakapatid ay hindi estranghero sa gawaing-bahay. May mga panahon naman na may kasama kami sa bahay para tumulong sa trabaho, pero kadalasan kami-kami lang talaga ang gumagalaw. Kaya nung nag-college na ako at may nakakasama ng roommates sa boarding house, napupuna ko talaga kung sino ang mga marunong magtrabaho at sino yung mga seƱorita sa bahay nila.
Ngayong bakasyon na ako lang ang bum sa bahay at nagtratrabaho na ang mga kapatid ko, wala akong kahati sa mga utos. Alam ng mga kaibigan ko yan. (Online ko lang sila nakakasalimuha ngayong summer dahil wala ngang pasok). Tuwing bumabalik ako galing sa isang BRB na message, natatanungan agad ako ng: "Are you done watering the plants already?" O di naman kaya pag sinasabi ko na kailangan ko munang mag-log-out, sinasabihan ako ng: "Tama, maghahapunan na nga pala, maghain ka na tapos maghuhugas ka pa ng pinggan."
Natatawa na lang ako minsan. Kaya nga habang ikinukuskos ko ang sahig ng sabon, iniisip ko kung ilan kaya sa mga kakilala ko ang di kinakailangang mag-manual labor. Just out of curiosity lang naman. Pero hindi mga elitista ang mga pinakamalapit kong kaibigan, eh. Palibhasa'y pare-parehas lang kami lahat na anak ng mga middle-class na pamilya na tamang-tama lang ang pamumuhay. Nakakakain, nakakapagpaaral hanggang kolehiyo. Nagigipit kung minsan, pero nakakaraos din, sa awa ng Diyos. Walang mga assets na ipapamana kundi yung edukasyon lang na pinagtustos sa amin. Yun na yun. (walang magiging drama tungkol sa last will and testament, di gaya ng old-school teleserye plot lines sa telebisyon) Minsan, sa sobrang kasanay ko na ang kasama ay mga tao sa pareho kong socio-economic level, nakakalimutan kong di lahat ng tao, kagaya ko. May naging kaklase ako na babaeng sosyal. Kung manamit sya araw-araw, parang laging may pictorial sa isang telenovela (description po nung isa kong kakilala, hindi akin). Napansin ko na mahahaba fingernails niya na french-manicured. Without thinking, natanong ko sa kaibigan ko kung pano kaya maghugas ng plato at maglaba ng damit yung kaklase namin, kung nagga-gloves kaya sya. Hello?! Ang tanong: naghuhugas at naglalaba ba yun?! Oo nga, noh. Tanga-tanga ko naman. Di ko kaagad naisip yun. Malamang hindi nga.
Maraming nagsasabi na mahirap kung nasa gitna ka ng spectrum. Kunwari, hindi maganda, pero hindi pangit. Hindi matalino, pero hindi bobo. Hindi lalaki, pero hindi babae. Yung mga ganon. Mga alanganing sitwasyon. Ang mahirap kasi dun, hindi mo alam kung saan lulugar. Parang di lubos ang acceptance at belonging. Sabagay, superficial lang naman na observation yun.
Kung pag-uusapan naman yung pagiging hindi mahirap pero hindi mayaman, sa tingin ko, okay lang yun. Kaya mong mag-adjust sa iba't ibang klase ng tao. Saan ka man masabak, hindi gaano kalaki ang agwat na sinusubukan mong abutin. Mas bukas ang isip mo. You can be sensitive to the plights of poverty without being bitter towards wealthy people. Or you can be appreciative of material things without losing the perspective of the hard work spent in earning every single one of them.
Something like that. Ewan ko ba. Basta alam ko, paggising ko kaninang umaga, malinis sahig namin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment