Bakit puro black ang gamit mo?! Yung bag mo, yung sapatos mo, yung jacket mo, yung isa mo pang bag, pantalon mo, pati t-shirt mo! Bakit itim lahat yan?!
Nanay ko. Bahagyang nanggagalaiti. Pinupuna color perception/fashion sense ko.
Linawin ko lang sandali. Dark blue ang t-shirt ko, hindi itim. Ang pantalon ko, kahit itim nang una kong binili, ay kupas na ngayon. Kaya grayish na sya.
Balikan natin ang nanay ko. Ganito talaga tuwing nagiimpake ako.
Ano ba yang t-shirt na yan? Dadalhin mo pa ba yan? Eh yung binili ko sayo na skirt and blouse, di mo dadalhin? Hindi mo siguro ginagamit ang mga yun doon, ano? Magsuot ka naman ng mga may kulay paminsan-minsan.
Dark blue ang favorite color ko. Pero marami akong gamit na kulay itim. Maliban sa in-enumerate ng nanay ko, itim rin lahat ng pens ko, mga diskettes ko, mga pantali ko sa buhok, sinturon ko, at kung ano-ano pa.
Gusto ko ang black kasi hindi agaw-pansin. Tsaka di sya nagiging corny o baduy. Natatandaan nyo pa ba nung na-uso ang neon colors? Nakakapangilabot. Buti na lang kanyo at hindi neon ang naging paborito ko. Kung nagkataon, edi mukha akong walking highligter ngayon.
Aalis na nga pala ako mamaya. Goodbye to the comfort of one's own home. Hello again to overrated independent living. Yung mga di pa mulat sa hubad na katotohanan, iniisip siguro nila na napaka-cool to live on your own without parents to breathe down your back. To a certain extent, totoo yun. Ikaw ang boss. Master of your fate, captain of your soul. Masaya kasi diskarte mo lahat. Nasa sayo kung saan ka pupunta, kung kailan ka uuwi, at kung sino kasama mo. Depende na lang sayo yun at sa upbringing and convictions mo (naks!).
Pero, ikaw rin bahala sa lahat. Budget ng pera, hanap ka kung saan ka kakain, mag-aayos ng damit mo, maglilinis ng kwarto, tapos syempre mag-aaral ka pa. Pero ang pinakamahirap kapag nagkakasakit ka. Walang mag-aalaga sayo. Kawawa kang bata ka.
Try mong trangkasuhin ng linggo. Kahit groggy, bili ka gamot sa botika. Absent ka sa lunes. Pero pasok ka sa martes na parang zombie. Try mo. Ang saya. Promise.
Anyway, sign off na ako. Kelangan ko pang i-double check things ko. Sigurado namang may kakalimutan ako, susubukan ko lang to put those at a minimum. Sana di toothbrush maiwan ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment